-- Advertisements --

Nanatiling nakahanda ang health system sa bansa sakali mang tumaas muli ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa harap ng banta ng Omicron variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na alam ng pamahalaan ang gagawin kung magkaroon man ng mas nakakahawang Omicron variant sa Pilipinas.

Kahapon, sinabi ng mga health officials na wala pa ring naitatang Omicron variant sa bansa.

Sinabi ni Vega na sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang characteristics ng bagong COVID-19 variant na ito, na unang natuklasan sa South Africa.

Pero sa kabila nito ang healthcare utilization rate naman sa bansa ay nananatili pang nasa “low-risk” category.