duterte on vp
President Rodrigo Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan na arestuhin ang sinumang mananakit sa mga health workers na lumalaban sa coronavirus.

Kasunod ito sa napaulat na may ilang health workers ang nakaranas ng harassment gaya ng pagbuhos sa kanila ng asido.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na dapat ang mga kapulisan ay huwag tumambay sa mga police station at sa halip ay maghanap ng mga mambabastos sa mga healthworkers.

Kung ano ang ginawa aniya nila sa mga healthworkers ay dapat ipatikim din sa mga maaarestong suspek.

Muling iginiit ng pangulo na dapat protektahan ang mga health workers dahil sila ang nag-aasikaso sa mga nadadapuan ng virus.

Bukod sa harassment ay nakakaranas din ng diskriminasyon ang mga health workers dahil sa kanilang trabaho.