Nakatakdang magbukas sa 2023 ang Harry Potter Theme Park sa Tokyo, Japan.

Ito ay matapos na pumirma ng kontrata ang Seibu Railway Co. at Warner Bros. Entertainment ng kontrata para iparenta ang 22-hectare na lupain para gawing theme park.

Ikinatuwa naman ni Tokyo Governnor Yuriko Koike ang nasabing hakbang na siyang magiging ikalawang Harry Potter park sa buong mundo na ang una ay sa London.

Ang pagtatayuan ng nasabing park ay kinaroroonan ng 94-anyos na amusement park sa Toshimaen sa Tokyo na nakatakdang magsara sa Agosto.