James Harden/ Photo courtesy of NBA

Pinawi ng Houston Rockets ang pangamba ng kanilang fans na hindi makakapaglaro sa game 3 si James Harden kontra sa Golden State Warriors.

Ito ay matapos na magtamo siya ng injury sa mata.

Ayon sa koponan, walang anumang grabeng damyos na natamo ang kanilang guard matapos na ito ay masundot ni Draymod Green noong game 2.

Matapos kasi ang laro ay agad itong nagpatingin sa doktor at nabigyan naman ito ng agarang lunas.

Magugunitang tinalo ng Warriors ang Rockets 115-109 kung saan mayroon 2-0 na ang lamang ng Warriors sa second round ng NBA playoffs.