vax vaccination COVID ilocos sur
-- Advertisements --

Target ng pamahalaan na makapagturok ng nasa 1 million hanggang 1.5 million COVID-19 vaccines kada araw sa fourth at final quarter ng 2021 para makamit ang target nitong mabakunahan ang 77 million Pilipino bago matapos ang taon.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, hindi maitataas ang national vaccination output sakali man hindi baguhin ang kasalukuyang jab rate na aabot lang sa 400,000 hanggang 500,000.

Noong Biyernes nakipagpulong sa ilang gobernador at alkalde para iparating ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga LGU na pag-ibayuhin ang kanilang vacciantion rates.

Sa pulong na ito, tinukoy ni Galvez ang nasa 50 highly urbanized cities na siyang mangunguna sa pagpapalakas sa daily vaccination output.