PNP 1
PNP Chief inspects new guns/ PNP image

Mas magiging malakas ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagdating sa mga panibagong kagamitan na kanilang ipagkakaloob sa iba’t ibang regional office sa buong bansa.

Nasa P784 million ang halaga ng mga bagong dating na armas ang binasbasan.

Kabilang sa mga bagong dating na baril at mga kagamitan ay ang mga sumusunod:

95 units ng 4×4 pick up
10,000 units ng striker fired 9mm pistol
78 units ng squad automatic weapon 5.56 light machine gun
568,226 rounds ng bala para sa 9 mm
3, 684 units ng combat helmet at
2, 255 units ng tactical vest level 3

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, makakapagpataas ng morale ng mga pulis ang mga bagong kagamitan lalo’t sa pamamagitan nito ay mas magiging epektibo sila sa law enforcement operations.

“This is part of our capability enhancement program na pa increase ng pa increase since the start of the Duterte administration,” wika ni Albayalde.

Ang combat enhancement program (CEP) aniya ng PNP kada taon ay nasa P2 billion lamang, pero ngayon sa ilalim ng Duterte administration nasa P4 billion na kada taon.

“For the last 3 years we have already acquired P22 billion for our CEP since 2016,” ani Albayalde.

Samantala, nag-donate naman ang Central Bank ng isang Swat vehicle para sa Police Regional Office 2.