LEGAZPI CITY – Naglaan ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng P592.4 million na indemnification fund.
Ito ay para sa 32,761 na magsasaka sa Bicol na may insured crops na napinsala ng Bagyong Rolly.
Mismong si Agriculture Secretary William Dar ang nag-anunsyo nito sa programa na isinagawa sa Polangui, Albay kasabay ng distribusyon ng P90 million na halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang sa mga ipinamigay ang binhi ng hybrid rice, mais, gulay, fertilizer, farm implements at fishing gears and paraphernalia.
Makakatanggap naman ang mga may insurance ng P10,000 hanggang P15,000 sa pananim, farm equipment, fishing boats at gears na napinsala.
Binuksan din ni Dar ang pag-avail ng emergency and rehabilitation loan na nagkakahalaga ng P25,000 sa Agricultural Credit and Policy Council, sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program.
Umaabot sa P100 milion ang paunang alokasyon sa loan na non-collateral, zero interest at mababayaran sa loob ng 10 taon.