CAUAYAN CITY – Anim na karton ng dinamita ang nasamsam ng mga kasapi ng Santiago City Police Office sa Purok 4, barangay Baluarte,Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Major Reynaldo Balunsat, Station 2 Commander, kanyang sinabi na ang mga nasabing pampasabog ay natagpuan sa bahay na pinapaupahan ni Noynoy Domingo ng nasabing lugar.

Natuklasan ang mga pampasabog ng ipalinis ng may ari ng bahay ang kanyang pinapaupahan..

Ayon kay P/Major Balunsat, ang pinapaupahang bahay ay tinirhan ng isang babae ngunit umalis na isang taon na ang nakararaan.

Ang mga nasabing anim na boxes ay naglalaman ng 777 na piraso ng dinamita.

Nasa pag-iingat na ng Santiago City Police Office ang mga nasabing pampasabog.

Patuloy na inaalam ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ang pagkakilanlan ng babaeng umupa sa nasabing bahay.