Epektibo ngayong araw, ipinakalat na ng Pambansang Pulisya ang halos nasa 70,000 na mga pulis sa buong bansa para magbigay seguridad sa publiko ngayong Holy week at sa buong summer vacation.

Sinabi ni Police Community Relations Group (PCRG) Public Information Officer na si Supt. Elmer Cereno, kasama sa idedeploy ang mga pulis na naka civilian clothes na siyang magpapatrulya sa mga malls, beaches, terminal at sa mga bus.

Pahayag ni Cereno na 24 oras na may nakabantay sa mga police assistance desk ng PNP na ipapakalat sa mga matataong lugar.

Binalaan din ng PNP ang mga pulis na magbabantay ngayong bakasyon na iwasan na mag tsismis at madalas na paggamit ng cellphone habang naka duty.