PCG 7
PCG Photo

Nakapagtala ngayon ng halos 50,000 na buhos ng mga pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa buong bansa.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo, hindi pa ito ang peak ng mga byahero dahil marami ang may pasok pa sa Lunes hanggang Miyerkules, bago ang kanilang lenten break.

Pinakamarami ang naitala sa Southern Tagalog na may 7,580; sinusundan ng Central Visayas na mayroong 6,320, habang sa Eastern Visayas naman ay aabot sa 2,287 ang mga pasahero.

Hinimok naman ng PCG ang mga byahero na magtungo sa pier ng mas maaga para sa mabusising inspeksyon.