-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot na sa halos 300 ang mga pamilyang nagsilikas sa Pikit, North Cotabato dahil sa muling pagsiklab ng away sa pagitan ng dalawang grupo.

Ayon sa Pikit PNP, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawang grupo na nagsimula sa away pamilya o family feud.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang panaka-nakang putok na naririnig ng mga residente sa lugar kaya’t patuloy na nadadagdagan pa ang mga nagsilikas ng 80 pamilya, kung saan aabot na sa 336 ang apektado ng gulo na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation centers.

Sa ngayon nabigyan na ng Department of Social Welfare and Development Office at North Cotabato LGU ng food packs ang mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa bayan ng Pikit.

Kasabay nito, tiniyak naman ng mga otoridad na matuldukan na ang away ng dalawang panig sa mas madalianng panahon.

-- Advertisement --