-- Advertisements --

Umaabot sa 39 ang nilapatan ng lunas at sinaklolohan ng Philippine Red Cross (PRC) mula sa mga kalahok sa 12th Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA) event sa Sta. Cruz Laguna.

Ayon sa ulat ng PRC, nag-deploy sila ng ambulansya para sa anumang emergency.

Nagtalaga rin sila ng 36 na responders para matiyak ang kaligtasan ng mga participants.

Samantala, nilinaw naman ng organizers na walang major injuries na natamo mula sa naturang sporting event.