-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa higit 1.9 million pesos na halaga ng shabu ang narekober sa dalawang high value individual sa drug buy bust operation sa Compania Street, Barangay San Antonio, Molo, Iloilo City.

Ang mga arestado ay sina Jemojar Pineda, 27, residente ng Brgy. Rosario Street, Iloilo City Proper at Michael Capero, 34, residente ng Brgy. Caingin, La Paz, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr, Chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit, sinabi nito na nangyayari ang transaksyon sa loob ng New Bilibid Prison kung saan nakakulong ang kapatid ni Pineda.

Sa ngayon nakakulong na sina Pineda at Capero sa Molo Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.