Nasa 158 overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE) ang nakarating na sa bansa.

Sinalubong ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dinala ang mga ito sa Civil Aviation Training Center sa Pasay City.

Lumalabas na karamihan sa mga OFWs ay walang kaukulang travel documents.

Ang mga OFWs ay nabigyan ng forms para sa financial assistance mula sa gobyerno.

Kabilang na dito ang pasalubong package, cash assistance at medical checkup.