Tinatayang 1,000 sundalo ang sasabak sa paninabagong pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinawag na DAGIT-PA 2019.
Kaninang umaga sa AFP Education Training and Doctrine Command isinagawa ang opening ceremony.
Ang DAGIT-PA 2019 ay joint exercise sa mga unit ng AFP na kinabibilangan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force.
Ayon kay Commodre Adeluis Bordado, exercise director ng AFP, layon ng pagsasanay na mapalakas pa ang puwersa at capability ng militar.
Mahalaga aniya ito dahil ang AFP ang frontliner sa sarili nating bansa at sa nasabing pagsasanay makikita ang kakayahan ng tatlong major services ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Iikot ang pagsasanay ng mga sundalo sa San Antonio, Zambales; Fort Magsaysay; at Palayan City sa Nueva Ecija, na kapapalooban ng amphibious assault exercise, airfield retake exercise at military operations sa urban terrain.
Tagagal ng 12 araw ang “DAGIT-PA 03-19” na magatatapos sa September 27 sa Camp Aguinaldo.
Samantala, kalahok din sa pagsasanay ang mga bagong Amphibious Assault Vehicles (AAVs) ng Philippine Marines.
Ayon kay Philippine Marines Spokesperson Capt. Felix Serapio .apat na AAVs ang makikiisa sa DAGIT-PA.
Sa ngayon kasi ay walo na ang AAVs ng Philippine Marines kung saan unang dumating noong April ang apat, habang nitong Agosto dumating ang apat na iba pa na nakatakdang pasinayaan sa darating na September 23.
Ayon kay Serapio, malaking “boost” ang mga AAVs sa kanilang amphibious operations lalo’t nagbibigay ito proteksyon sa mga sundalo partikular sa pag-transport ng mga tropa mula sa barko patungo sa isang destinasyon.
Malaking tulong din aniya ito sa pag-transport ng mga relief goods sa tuwing may kalamidad.