LAOAG CITY – Mas mabilis na umano ang pag-aapply sa mga bakanteng posisyon sa Regional Trial Court (RTC) at First Level court at para sa judges at large.

Kinumpirma ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na umaabot sa 700 na ang aplikante para sa RTC at First Level court habang 200 na mga aplikante para sa Judges At Large.

Marami na ang ga nag-apply sa mga nasabing posisyon dahil sa online application.

Isa pa sa dahilan na marami ang nag-apply ay dahil sa tumaas ang sweldo sa first level court na naging salary grade 28 na ngayon.

Inaasahan ni CJ Peralta na kahit 60 percent muna ang malalagay sa mga bakanteng posisyon ngayon taon.

-- Advertisement --