Reading Time: 1 minute

Dinurog ni Simona Halep ang pangarap na record-tying 24th Grand Slam title ni Serena Williams para masungkit ang kanyang unang titulo sa Wimbledon Cup.

Sa loob ng 56 minuto ay pinakain ni Halep ng alikabok si Williams para magwagi ito sa iskor na 6-2 6-2.

Sinamantala nang husto ni Halep ang napakaraming errors na nakomit ni seven-time champion na si Williams upang maging kauna-unahang Romanian na nagwagi ng Wimbledon singles title.

Iro tin ang ikalawang Grand Slam title ng 27-year-old kasunod ng tagumpay nito sa 2018 French Open.

Para naman sa 37-year-old na si Williams, ito ang ikatlong pagkabigo sa final sa 12 buwan.

“She played out of her mind, it was a little bit deer in the headlights for me,” ani Williams.