Reading Time: 1 minute
Simona Halep
Simona Halep/ IG post

Pasok na sa finals ng Wimbledon si Simona Halep matapos talunin si Elina Svitolina ng Ukraine.

Nakuha nito ang score na 6-1, 6-3 para maging kauna-unahang babaeng Romanian na makapasok sa final ng Wimbledon.

Ito na rin ang pang limang Grand Slam final na laro ni Halep na siya ring French Open Champion noong 2018.

Ayon sa 28-anyos na tennis star, na talagang pinaghandaan niya ang lahat ng makakaya para makapasok sa finals.

Aminado din ito na nahirapan siya para makarating sa finals.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Serena Williams at Barbora Strycova ng Czech Republic.