Reading Time: 1 minute
Hailey and Justin Bieber
Hailey and Justin/ IG post

Ibinahagi na sa unang pagkakataon ni Hailey Bieber ang ilang larawan sa kasal nila ng pop star Justin Bieber.

Sa kaniyang social media account, nagpost ng larawan si Hailey habang nakasuot ito ng kaniyang gown.

May caption ito ng pasasalamat sa gumawa ng kaniyang gown.

Kasama rin nito sa post ang asawang si Justin na pinasalamatan dahil sa kanilang pag-iisang dibdib.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong nakaraang buwan sa South Carolina.