Aabot na sa mahigit P4.2 bilyon na halaga ng pinsala ang iniwan ng Bagyong Usman matapos itong manalasa sa apat na rehiyon.

Sa report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, malaking halaga ang naitalang pinsala sa sektor ng infrastracture na pumalo sa P3.3 bilyon.

Sa sektor naman ng agrikultura, ay mahigit na sa P948 bilyon.

Ito ay ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon); Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Region 5 at Region 8.

Nasa mahigit 152,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo kung saan 13,161 pamilya ang kasalukuyang nasa 122 evacuation centers.

Nasa 215 na lugar naman ang nananatiling lubog sa tubig-baha mula sa limang rehiyon.

Inihayag pa ni NDRRMC Executive Director Edgar Posadas na umabot na rin sa mahigit P64 milyon tulong ang ipinamahagi ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, Department of Social Welfare and Developments, local government unit, at non government office, sa mga lugar na sinalanta ni “Usman.”