Gymnastics Association of the Philippines
Gymnastics Association of the Philippines (GAP) FB Image

May nakita ng lugar ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) kung saan sila puwedeng magsimula ng mag-ensayo.

Ayon kay GAP president Cynthia Carrion, nakipag-ugnayan na sila kay Philippine Sports Commission (PSC) president Butch Ramirez at ipagpapatuloy ang kanilang ensyo sa Century City Mall sa lungsod ng Makati.

Baka aniya hanggang sa dalawang linggo ay maipagpapatuloy na nila ang ensayo kapag natapos na ang paglillipat nila ng kanilang mga kagamitan.

Isa ring napiling lugar para sa men’s artistic gymnast ay magsasanay sa Colegio San Agustin gym.

Nag-aalala kasi sila na kapag hindi na nila sinimulan ang training ay baka maapektuhan ang kanilang performance sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Magugunitang huminto sila sa pagsasanay noong Marso ng magpatupad ng lockdown ang gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID -19.