rythmic gymnastics

Hindi binigo ni Filipina gymnast Reggie Daniela Dela Pisa ang kanyang mga kababayan at nasungkit ang isang gintong medalya sa all around individual rhythmic gymnastics sa nagpapatuloy na SEA Games sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Nagreyna si Dela Pisa sa individual hoop apparatus makaraang nakapuntos ng 17.700.

Silver medalist si Izzah Amzan ng Malaysia sa kanyang puntos na 16.500 habang ang kababayan ni Amzan na si Kwan Amy Dict Weg ay bronze medal sa iskor na 16.900.

Kinapos si Dela Pisa para sa gold medal sa balls apparatus at nagkasya ito sa bronze medal habang si Nat Kulsamawong ay silver medal naiuwi para sa kanilang bansa.

Kinopo naman ni Izzah Amzan ang gintong medalya makaraan ang naging magandang performance nito.

Sa panig ng clubs apparatus, gold medalist si Limpanich Benjaporn ng Thailand sa puntos na nagawa na 17.15; pumangalawa sj Koi Sie Yan na may iskor na 16.900 at bronze medalist si Daniela sa puntos na naipon na 16.100. (Report by Bombo Ronald Tactay)