Na-dispose na ang gusali ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Mandaluyong City noong nakaraang taon sa halagang P800 million, ayon sa 2022 report ng Commission on Audit.
Sinabi ng mga state auditor sa taunang audit report sa PCGG na inatasang bumawi sa mga ari-arian mula sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos kabilang ang lupa, land improvements at mga gusali na matatagpuan sa No. 82 EDSA, Mandaluyong City ay naitala sa listahan ng inabandona at isinukong mga ari-arian noong 2021.
Sa naturang audit report, nakasaad na na-dispose ang property sa pamamagitan ng public bidding noong Mayo 2022.
Nagkakahalaga ang lupa ng PCGG sa P18.977 million habang ang iba pang land improvements ay nagkakahalaga ng P1.073 million.
Una rito, noong 2022, ang nasabing property ay na-dispose sa pamamagitan ng public bidding at ang proceeds na nagkakahalaga ng P800 million ay nai-remit sa Bureau of Treasury Trust account sa ilalim ng Fund 184.
Gayunpaman, hindi na idinitalye pa kung paano idinispose ang mga ari-arian.
Ang bidding at aktuwal na pag-dispose ng gusali ng PCGG at iba pang mga ari-arian ay naganap noong panahon ng pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong 2022 presidential elections.
Matapos maupo si Marcos Jr. sa pagkapangulo, nabuhay ang mga panawagan para buwagin na ang Presidential Commission on Good Government.