-- Advertisements --
FB IMG 1589258578068
RONNEL MAS

Masayang sinalubong ng kanyang mga kapwa guro ang gurong si Ronnel Mas na nag-post sa social media na magbibigay ng P50 million sa makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito sinabi ni Raymond Basillo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nag-ambag-ambag ang mga co-teacher ni Mas at ilang miyembro ng ACT na ipinandagdag para mabuo ang P72,000 na piyansa.

Ito ay para sa pansamantalang kalayaan ng guro.

Una rito, base sa tatlong pahinang resolusyon na pirmado ni Department of Justice (DoJ) Assistant State Prosecutor Jeanette Dacpano, inirekomenda nito ang pagsasampa ng kaso kay Ronnel Mas na inciting to sedition na may kaugnayan sa cybercrime.

Ayon sa ACT, inisyal na tagumpay pa lang ang pagpayag ng hukom para sa pansamantalang paglaya ni titser Ronnel dahil patuloy pa ang paglaban nil para sa hustisya.

Itinakda ng korte sa May 28 ang pagbasa ng sakdal o arraignment at pre trial sa kasong kinakaharap nitong kaso.

Walong araw ding hawak ng NBI si Mas bago ito nakalaya.

Agad dumiretso ang guro sa tanggapan ng ACT sa Quezon City matapos lumaya para plantsahin ang kanyang susunod na hakbang.