FB IMG 1589258578068

Abot langit ngayon ang pagsisisi ng isang guro matapos kumalat ang kanyang Twitter post na magbibigay daw ito ng P50 million na pabuya para sa makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 25-anyos na gurong si Ronnel Mas ay hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) at humingi na ng patawad sa ginawa.

Handa raw itong magtungo sa Malakanyang para personal na humingi ng patawad kay Pangulong Rodrigo Duterte.

received 243105530092797

Una rito, inamin ng guro na nag-post ito sa Twitter noong Mayo 5 para magpasikat at inamin ding wala itong P50 million na pera.

Aniya, naka-private naman daw talaga ang kanyang account sa Twitter pero dahil gusto niyang mapansin at makarami ng retweets at likes ay ginawa niyang public ang kanyang account.

Pero hindi inakala ni Mas na maraming babatikos sa kanyang post at kahit dinelete na niya ito ay marami nang kumalat na screenshots ng posts nito.

Ang suspek na nahuli sa Pangasinan ay nagtuturo ng social studies sa Zambales.

Samantala, may payo naman ito lalo na sa mga kabataang may pangarap.

Aniya, “kung may pangarap kayo, huwag kayong gagawa ng ikakasira.”