Guns N Roses
Guns N’ Roses/ IG post

Kinasuhan ng bandang Guns N’ Roses ang isang beer company sa Colorado dahil sa paggamit ng kanilang pangalan.

Ayon sa banda na ginamit ng Canarchy Craft Brewing Collective’s Oskar Blues Brewery ang kanilang pangalan ng hindi nagpapaalam.

Base sa reklamo nila sa korte sa California, bukod sa paggamit ng kanilang pangalan ay nagbebenta pa ang Canarchy Craft Brewing ay nagbebenta rin ng mga shirts, caps at iba pa na may logo ng banda.

Noong Agosto noong nakaraang taon ay tinangka ng kumpanya na irehistro ang kanilang logo subalit agad itong napigil ng mga abogado ng banda.