-- Advertisements --

ILOILO CITY- Kalunos-lunos ang sinapit ng isa sa mga suspek na bumaril patay sa sex worker sa corner Valeria-Ledesma, City Proper.

Ang biktima ay si Apple Jane Nacionales, 28, residente ng Granada Street, Barangay Bagumbayan Poblacion, Guimbal, Iloilo.

Ang suspek naman ay si John Louie Sevilla Macogue, 23, residente ng Barangay Rima Rizal, Iloilo City Proper.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Shella Mae Sangrines, spokesperson ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na si Macogue ang tinuturong gunman sa pagpatay kay Nacionales.

Ngunit bago pa man ito sampahan ng kasong murder ngayong araw, natagpuan ito na tadtad ng bala, nakagapos ang mga kamay at paa at may laslas pa ang leeg.

Maliban dito, nakunan rin ito ng shabu.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Richard Galvez sang Rima Rizal, Iloilo City Proper, positibo nitong kinilala si Macoque.

Anya ang ina nito at kapatid ay nahuli rin sa drug buy bust operation noong nakaraang linggo.