Reading Time: 1 minute
guiao1
Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao

Hindi pa nababahala si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao sa pagpili ng mga manlalaro na isasabak sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Kasunod ito ng pag-atras ng ilang mga manlalaro na sina Scottie Thompson, Ray Parks Jr at Jayson Castro.

Sinabi ni Guiao na may mga ibang manlalaro ito kukunin bilang pamalit sa mga umatras na manlalaro.

Ilan sa mga inaasahang papalit ay ang mga rookie basketball player na sina CJ Perez at Robert Bolick.