Kung si Justice Sec. Menardo Guevarra raw ang tatanungin hindi makatutulong ang pagkagat ng government officials sa hamon na commute challenge ng publiko.

Ito ang tugon ng kalihim sa hirit ng isang kongresista na panukalang batas na magre-require sa mga pampublikong opisyal na gumamit ng pampublikong transportasyon tuwing Lunes.

Ayon kay Guevarra, hindi na bago sa kanya ang siksikan at traffic dahil bago pa raw siya maging abogado ay naranasan na niya ito.

“I am used to the hardships of daily commute to and from Bulacan. I had no first-owned car till I became a lawyer, and had no driver until I got to Malacañang. I know how hard it is out there,” ani Guevarra.

Inalala pa nito ang kanyang dalawang oras umano na biyahe noon mula Bulacan hanggang Pasig.

Sa ilalim ng “Public Servants’ Commuting via Public Transport Bill” ni Iligan Rep. Frederick Siao, target gaeing mandatory ang pag-commute tuwing Lunes ng elected at appointed officials ng gobyerno.