Reading Time: 1 minute

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang Officer-in-Charge ng gobyerno habang siya’y nasa Thailand para dadalo ng ika-37 ASEAN Summit hanggang Hunyo 23.

Sa ilalim ng inilabas na Special Order 631na pirmado nina Pangulong Duterte at Executive Sec. Salvador Medialdea, inaatasan si Sec. Guevarra na pangalagaan ang pang-araw araw na operasyon at pangkalahatang pangangasiwa sa Executive Department sa mga araw na wala ang pangulo ng bansa.

Kasabay nito, inutusan ni Pangulong Duterte ang lahat ng departamento, ahensya at iba pang instrumentalities ng gobyerno na tulungan si Sec. Guevarra sa pagtupad nito ng kanyang tungkulin bilang OIC.

Si Pangulong Duterte ay inaasahang babalik sa bansa sa Lunes, Hunyo a 23.