-- Advertisements --

Muling nagbanta ang grupong Manibela ng tigil-pasada sa susunod na linggo.

Sinabi ni Mar Valbuena presidente ng Manibela, ang pangako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay para umano sila ay mabitag sakaling sila na ay makapag-consolidate.

Sa December 31 sisimulan ang pagbuo ng kooperatiba para sa mga driver at operator ng dyip.

Ito rin ang petsya kung saan mawawalan ng prangkisa ang mga jeepney maliban na lang kung makapaghain na ng petisyon para makapag-consolidate.

Sinabi naman ng gobyerno na maghahanda sila ng libreng sakay sakaling magkakasa na naman ng tigil pasada.

Gayunpaman, hindi nangamba ang LTFRB sa transport strike ng Manibela dahil wala raw itong epekto sa takbo ng public transportation sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.