Hiniling ng Coordinating Council of Private Educational Association of the Philippines (COCOPEA) sa Department of Education (DepEd) na huwag silang isama sa delayed na pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Sinabi ni COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada, maraming mga private schools na ang nagbukas bago pa lamang ang isinagawang anunsiyong ito ng DepEd.

Iginiit nito na nakahanda ang mga private schools kung saan ang iba ay nagsimula ng magsimula ng klase noon pang Hulyo.

Aminado ito na hindi isyu sa kalusugan ang kinakaharap ng DepEd at ito ay ang kahandaan sa pagbabalik eskuwela.

Handa rin aniya nilang tulungan ang mga public school para hindi maapektuhan ang pagbubukas ng mga klase.