Nagbabala ang grupo ng mga mangingisda laban sa umano’y coordinated fishing ban ng gobyerno ng Pilipinas at China sa may West Philippine Sea.
Ayon kay Pambansang Lakas ng kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ( Pamalakaya), dapat na hindi umano i-entertain ng administrasyong Marcos ang fishing ban ng China sa mga karagatan ng ating bansa at sa halip ay agarang tutulan ang taunang unilateral fishing ban ng Beijing.
Iginiiit din ng grupo na dapat hindi obligado ang Pilipino na sumunod sa fishing ban na ipinataw ng isang bansa na responsable sa malawakang pagkasira ng coral reefs at iba pang marine resources sa WPS.
Ayon pa sa grupo, mistulang sumang-ayon umano ang Pangulo sa coordinated fishing ban sa China.
Sinabi pa ni Fernando Hicap, chairperson ng Pamalakaya na walang alternatibong source of income ang makakapantay sa kanilang kabuhayan sa pangingsida sa mayamang dagat sa WPS at ang mahalagang kontribustyon nito sa ating local food security.
Kayat pinaalalahanan ng grupo ang Pangulo na kung mayroon mang dapat na tuluyang pagbawalan, ito ay ang mapanirang mga aktibidad ng China.
Una ng inihayag ng Pangulo noong Hunyo 20 na mayroon ng progreso sa pag-uusap ng China at Pilipinas kaugnay sa karapatan ng pangingisda sa WPS.