-- Advertisements --
received 2632776043624346

Dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, nanawagan ngayon ang grupo ng mga inmates sa Supreme Court (SC) na payagang makalabas ang ilang inmates para na rin sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

Base sa petition for certiorari na inihain sa kataas-taasang hukuman na may case title na “In the Matter of the Urgent Petition for the Release of Prisoners on Humanitarian Grounds in the Miss of the Covid 19 Pandemic” nanawagan ang grupo na palayain ang mga inmates na may edad na o mga maikokonsiderang vulnerable dahil sila ang madaling kapitan ng naturang virus.

Nais din nilang pansamantalang mapalaya ang mga may sakit at buntis para na rin sa kanilang kaligtasan dahil sa siksikan sa mga piitan.

Hiniling din ng mga preso na mapalaya sa pamamagitan ng “recognizance” o kaya’y paglalagak ng piyansa, tulad ni dating Senador Juan Ponce Enrile na napalaya dahil sa edad nito at kalusugan.

Hiniling ng mga inmates sa mga respondent na sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, Justice Secretary Menardo Guevarra, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Allan Sullano Iral, Bureau of Corrections (Bucor) Director Gerald Bantag at ilang Jail Wardens sa bansa na temporaryong palayain ang ilang inmates para na rin sa kaligtasan ng iba pang inmates dahil sa banta ng naturang virus.

Inihirit din ng grupo sa mga respondents na bumuo ng Prisoner Release Committee na siyang magre-review sa kaso ng mga inmates na nasa in the country.

“Hellish prison condition in the Philippines makes the detainees vulnerable to Covid 19. Directing the temporary Release on Recognizance of petitioners, including those similarly situated who are listed herein but were not able to subscribe on this petition due to the lockdown, for humanitarian consideration, for the duration of the state of public health emergency, national calamity, lockdown and community quarantine due to the threats of the Covid 19,” base sa petisyon.

Kabilang sa mga inmates na naghain na inireprepresenta ng kanilang mga kamag-anak sina Dionisio Almonte, Ireneo Atadero Jr., Alexander Ramonita Birondo, Rey Claro Casambero at iba pa.

Tumatayo namang abogado ng grupo ang si Atty. Maria Kristina Conti ng Public Interest Law Center (PILC) na personal na nagtungo sa SC kasama ang ilang kamag-anak ng mga inmates para ihain ang petisyon.