“Its not the pretty face but the character,” yan ang banat ng aktres na si Gretchen Barretto sa mga humuhusga sa kanya dahil sa pagbabahagi nito ng video na kita ang kabuuan ng kanyang walk-in closet.

Ipinakita kasi ni Gretchen ang kanyang napakalaking walk-in closet na halos sakop ang dalawang kwarto ng kanyang bahay.

Dito ay makikita ang koleksyon niya ng mga damit, sapatos at designer bags.

Hindi naman ito pinalampas ng mga bashers ng aktres at kinutya ito sa di-umano’y pagiging kabit nito.

Si Gretchen ay longtime partner ni Tony Boy Cojuangco na legally married pa rin hanggang ngayon sa dati nitong asawa na si Denise Yabut-Cojuangco.

Kabit, materialistic, manggagamit at botox queen ay ilan lamang sa mapanakit na salitang binitawan ng mga bashers kay Gretchen ngunit hindi ito nagpatinag at sinabing ipagdarasal na lamang daw niya ang mga ito.

Hindi rin nakaligtas sa mga ito ang pagsawsaw umano ni Gretchen sa legal battle nila Kris Aquino t Nicko Falcis.