Reading Time: 1 minute
Green Day
Green Day / FB image

Inanunsiyo ng American Rock Band na Green Day ang pagsasagawa nila ng concert sa bansa.

Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ang mga listahan ng bansa kung saan isasagawa ang kanilang concert.

Isa ang Pilipinas kung saan magsasagawa ng concert ang banda at ito ay gaganapin sa March 14, 2020 sa Mall of Asia Arena.

Magtutungo rin ang banda sa Singapore, Taiwan, Thailand, Hong Kong, Japan at South Korea.

Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng paglabas ng kanilang bagong album na “Father of All Mother F—.”

Ito ang unang beses na magsasagawa ng concert ang banda na binubuo ng kanilang frontman na si Billy Joe Armstrong at bassist na si Mike Dirnt.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Basket Case”, “When I Come Around”, “Wake Me Up When September Ends” at maraming iba pa.