250px Ph locator maguindanao parang

(Update) CENTRAL MINDANAO – Patay na nang matagpuan ang isang graduating student na ginahasa sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang biktima ay residente ng Brgy Poblacion 1, Parang, Maguindanao.

Ayon kay Parang chief of police, Lt. Col. Ibrahim Jambiran natagpuan ang bangkay ng dalaga sa ‘di kalayuan sa kanilang bahay na ginahasa umano ng apat na suspeks na kanyang mga kamag-anak lamang.

Nang makita ng ilang taongbayan ang dalawa sa mga suspek ay kinuyog ang mga ito bago na-turn over sa pulisya.

Nasawi ang isa sa mga suspek na si Esrael Sarip at nagtamo ng matinding sugat si Tato Bualan alyas Ato.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya sina Samsudin Sarip alyas Mansuh at Sulayman Sarip alyas Mangcao.

Marami ang naniniwala na bangag sa pinagbabawal na droga ang apat na suspek kaya nagawa nilang gahasain ang kanilang pinsan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Parang PNP sa naturang pangyayari.