Reading Time: 1 minute

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang babay sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Ayon Pol. Lt. Col. Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang PNP, ang biktima umano ay isang graduating student at residente ng Brgy Poblacion 1, sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal sa kanilang imbestigasyon na posibleng ginahasa bago pinatay ang biktima na hindi na pinangalanan pa dahil na rin sa hiling ng kanyang pamilya.

Narekober na lamang umano ang bangkay ng biktima di kalayuan sa bahay nito.

Dahil sa sobrang galit ng mga kapitbahay, kinuyog muna ng mga ito ang 2 pinaniniwalaang suspek na nasa impluwensya pa ng iligal na droga bago paman itinurn-over sa Parang PNP.

Nagresulta naman ito sa pagkamatay ng isa sa mga suspek na si Esrael Sarip dahil sa tindi ng pagkaka-bugbog samantala nasa ospital naman ang isa pang suspek na kinilalang si Tato Bualan alyas Ato dahil sa mga natamong sugat at pasa.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng PNP ang 2 pang suspek sa krimen na sina Samsudin Sarip alyas Mansuh at Sulayman Sarip alyas Mangcao.

Sa ngayon, nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Napag-alaman ng pawang kamag-anak ng biktima ang 4 na salarin.