CEBU CITY- Aabot sa P3.4 million halaga ng shabu ang nakuha mula sa isang 17 anyos na e-bike driver sa isinagawang drug operation ng City Intelligence Branch (CIB) ug sa City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa may Brgy. Duljo lungsod ng Cebu

Ang 17 anyos na subject ay binantayan ng walong araw at nang makumpirma ay agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad kung saan positibo itong nakuhanan ng kalahating kilo ng shabu.

Samantala inamin naman ng subject na inutusan lamang siya para magdeliver ng nasabing shabu kapalit ng P500.

Hindi aniya kilala ang nag-utos sa kanya dahil i-aabot lang daw umano ito ng ibang ato at i-dedeliver naman sa hindi niya kakilalang customers.

Sinabi rin nito na apat na beses na niya itong ginawa.

-- Advertisement --

Nabatid na meron ng pamilya ang 17 anyos na subject at nag-aaral bilang Grade 8 student.