Suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase ng mga mag-aaaral sa lahat ng level sa lalawigan ng Batangas ngayong araw, Enero 14, 2020.

Batay sa pahayag mula sa Office of the Executive Secretary, alinsunod sa naging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pero ang mga nasa tanggapang nasa frontline ng pamamahagi ng basic health services at sangkot sa disaster response kaugnay sa pagsabog ng Taal Volcano ay hindi sakop ng work suspension.

Nakapaloob naman sa advisory na bahala na ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila at karatig-lalawigan na magdesisyon kung kinakailangang magpatupad ng work at class suspension sa kani-kanilang mga lugar.