-- Advertisements --

Maaring dumulog sa korte ang Duterte administration para obligahin ang Philippine Red Cross (PRC) na magsumite ng mga required financial reports mula sa kanila, ayon kay presidential legal counsel Salvador Panelo.

Sinabi ito ni Panelo matapos na tukuyin ni presidential spokesperson Harry Roque ang kabiguan ng PRC na magsumite ng kanilang financial status kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang honorary president ng naturang humanitarian organization.

Ayon Panelo, sa oras na tumanggi pa rin ang PRC na ilabas ang kanilang financial status, magkakaroon aniya ng liability ang naturang organisasyon.

Dagdag pa ni Panelo, magkakaroon na ng palabag ang PRC sakali mang limang taon silang hindi nagsusumite ng naturang report.

Nauna nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang lahat ng government transactions sa Red Cross sa harap ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y overpricing sa mga biniling medical supplies ng Department of Health (DOH) noong 2020 para sa COVID-19 response.

-- Advertisement --

Si Sen. Richard Gordon, na siyang chairman ng PRC, ang siyang nangunguna sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.