PACC COMM GRECO BELGICA
PACC GRECO BELGICA/ FB post

Iimbestigahan din umano ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga nasa labas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagkamal ng pera mula sa gaming agency.

Una nang inihayag ni dating PCSO General Manager Alex Balutan na kaya siya nagbitiw sa puwesto ay dahil hindi raw nito masikmura ang pinagagawa o hinihingi sa kanya.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na tatanungin nila sa imbestigasyon si Balutan kung ano ang pinagagawa sa kanya at sino ang nag-uutos.

Ayon kay Belgica, alam nila na may mga nasa labas ng PCSO ang nakikinabang at ginagawang “gatasan” ang nasabing ahensya.

Tiniyak ni Belgica na magiging malawakan ang kanilang imbestigasyon.

Pero anuman ang findings ng PACC ay magiging recommendatory lamang at isusumite lamang ito sa Office of the President at Ombudsman.