Nagsama ng puwersa sina Eric Gordon at Chris Paul na may tig-24 points at nine assists para makalusot ang Houston Rockets sa Chicago Bulls, 116-107.

Nagpaulan ng maraming 3-point shots ang Rockets sa una at huling bahagi ng laro para idiskarel ang Bulls.

Una nang nakalamang ng 21 points ang Rockets pero nakalapit ang Bulls.

Ito ang ika-28 panalo ng Rockets sa kabila na hindi naglaro sa ika-apat na pagkakataon ang NBA scoring leader na si James Harden dahil sa strained hamstring.

Dahil dito todo kayod din ang ginawa nina Gerald Green na nagbuslo ng 22 habang si Trevor Ariza ay nagdagdag ng 18 points at nine rebounds.

Sa kabila nang pagkatalo positibo pa rin ang Bulls na gumaganda na raw ang kanilang teamwork.

Si Bobby Portis ang nanguna sa Bulls na may 22 points, samantala sina Denzel Valentine at Kris Dunn ay kapwa may 19 na puntos.

Ito na ang ika-limang talo ng Chicago sa kanilang huling six games.

Sa Huwebes haharapin ng Rockets ang Portland Trail Blazers.