Nagpamalas ng matinding performance si dating unified middleweight champion Gennady Golovkin sa kanilang super middleweight fight sa Madison Square Garden.

Nakapagtala ng sensational fourth-round knockout win si Golovkin kontra Rolls.

Ito ay matapos na tamaan ng 37-anyos na Kazakhstan fighter si Rolls ng kanyang pinakawalang kaliwa.

Bumagsak sa lona ang Canadian boxer sa huling isang minuto ng fourth round sa harapan ng 12,357 na audience.

Sinabi ni Golovkin na parang bumata ang kanyang pakiramdam matapos talunin si Rolls.

Sa ngayon, nais naman daw niyang makaharap sa ikatlong pagkakataon ang champion na si Saul “Canelo” Alvarez. (AFP)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here