Pinag-i-invest ni Senadora Grace Poe ang gobyerno nang mas malakas na cyber security infrastructures.
Sa gitna na rin ito ng sunud-sunod na hacking sa mga website ng gobyerno kung saan pinakahuli sa na-hack ang website ng House of representatives.
Pinakikilos ni Senate Committee on Public Services Chairperson Poe ang Department of information and Communications Technology (DICT) at iba pang kaukulang tanggapan ng pamahalaan na gumawa ng paraan upang mahinto na ang hacking spree sa mga government websites.
Giit ng senadora, hindi pwedeng ‘business as usual’ at maghihintay na lamang sa susunod na mabibiktima ng data breach kaya mahalagang matigil at mapanagot na ang mga nasa likod ng hacking.
Hindi lang aniya ang mahahalagang government records ang nakasalalay dito kung hindi ang mga sensitibong data na maaaring magkompromiso sa national security ng bansa.