-- Advertisements --

Hindi magpapataw ang gobyerno ng Pilipinas ng bagong mga buwis hanggang sa susunod na taon ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.

Ito ang inihayag ng kalihim kasabay ng pagkumpirma sa kaniya ng makapangyarihang Commission on Appointments bilang Finance chief ng bansa.

Sinabi din ng kalihim sa CA finance committee na ang tanging isinusulong ng pamahalaan ay ang 6 na tax measure na nasa advance stage na sa Kongreso at sinigurong walang bagong tax measures hanggang sa 2025.

Binigyang diin pa ng Finance chief na hindi magrerekomenda ang ahensiya ng anumang bagong taxes.

Samantala, hindi naman nababahala ang kalihim sa utang ng gobyerno dahil ang mas mabilis aniya ang paglago ng ekonomiya ng bansa kumpara sa paglobo ng utang nito.