-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Land Transportation Office na natanggap na nila ang karagdagang 400,000 license card.

Sa isang panayam, sinabi ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza na aabot na sa higit 2.4 million ang pangkalahatang bilang ng naturang license card na tinanggap ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Mendoza, marami pang bilang ng license card ang kanilang inaasahan sa mga susunod na linggo.

Kabilang na rito ang 800,000 license card.

Maliban pa sa bilang na ito ang aabot sa mahigit 6.5 million cards.

Tiniyak naman ng ahensya na nananatiling sapat ang supply ng license cards sa bansa para sa kasalukuyang taon.

Wala rin patid ang paggawa ng mga ito na umaabot sa average na 40,000 hanggang 50,000 everyday.