-- Advertisements --
sugar

Hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa mga importers na ang nakalaang alokasyon sa kanila sa importasyon ng sugar allocation ay ibenta sana sa pamamagitan ng gobyerno sa P70 kada kilo.

Ang kagawaran kasama ang Sugar Regulatory Administration (SRA), ay hiniling sa bawat importer sa ilalim ng Sugar Importation Policy para sa Crop Year 2022-2023, na ang 10 percent ng kanilang mga imported sugar allocation ay sana ay ibenta sa Department of Agriculture sa P70 per kilo para naman magkaroon nang sapat na supply ng asukal sa kayang halaga.

Una rito, sa paglilibot ng Bombo Radyo news team sa ilang palengke at retailers sa Metro Manila, may ilang pinakamababang nagbebenta ng isang kilong asukal ay nasa P85 kada kilo, pero marami pa rin ang nagbebenta ng hanggang sa P95 kada kilo o higit pa.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration na magsisimula na silang magbenta ng asukal sa halagang P70 per kilo sa kanilang ahensiya sa Quezon City at Bacolod City offices.

Ang asukal ay para sa direct consumers at hindi dapat muling ibenta.

Maging ang mga Kadiwa rolling stores at Kadiwa on Wheels ay nagbebenta na rin ng asukal sa mas mababa at magiging accessible umano sa mga consumers.