Naglaan ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng nasa PHP80 million na halaga ng tulong pangkabuhayan para sa mga mangingisda sa may West Philippine Sea kabilang ang mga karatig rehiyon.
Ayon sa tagapagsalita at head ng BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit Nazario Briguera na ang Livelihood Activities to Enhance Fishery Yield and Economic Gains (LAYAG) sa WPS project ay isang inisyatibo ng gobyerno para maglaan ng mga proyekto na nakatutok sa WPS para palakasin ang local fisheries production.
Maliban sa Kalayaan Island, saklaw sa proyekto ang iba pang rehiyon gaya ng Central Luzon, Ilocos region, at Mimaropa.
Kabilang sa ipapamahaging tulong sa ilalim ng proyekto ay ang fuel subsidies para sa municipal fishing at commercial fishing boats.
Una ng namahagi kasabay ng araw ng kasarinlan ng ating bansa ang pamahalaan ng mga kagamitan sa 80 benepisyaryo mangingisda sa Pag-asa island.
Ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayang mangingisda lalo na sa mga nasa malalayong isla gaya ng Pag-asa island.