Tumipon ng 22 points at 11 rebounds si Rudy Gobert upang tulungan ang Utah Jazz na ilampaso ang Los Angeles Lakers, 115-100.

Umasiste rin sina Derrick Favors na humugot ng 20, at si Joe Ingles na muntikan nang makapagtala ng triple-double sa kanyang 11 points, career-high 14 assists at siyam na rebounds.

Sumandal naman ang Lakers kay Kyle Kuzma na may 21 points, na naglista lamang ng 32.9 percent mula sa field at 29.7 percent sa 3-point range.

Nakakuha rin ang Los Angeles ng ayuda kay JaVale McGee na tumipa ng 16 points at 13 rebounds, habang hindi naman naglaro si LeBron James.